Mga abo sa ibinigay sa fur parents sa Cavite, hindi sa hayop, ayon sa NBI - GMA Network

Direct Source Verification: This story is aggregated from GMA News Online (gmanetwork.com). Full reporting rights and copyright belong to the primary publisher.
Lumabas sa resulta ng pagsusuri ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi labi ng mga hayop ang laman ng mga urn na ibinigay sa mga pet owner ng isang pet crematorium sa Cavite. Dahil dito, naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang ilang apektadong may-ari ng...

Lumabas sa resulta ng pagsusuri ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi labi ng mga hayop ang laman ng mga urn na ibinigay sa mga pet owner ng isang pet crematorium sa Cavite. Dahil dito, naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang ilang apektadong may-ari ng mga namayapang alagang hayop.

Sa ulat ni JP Soriano sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinamahan ng NBI at mga miyembro ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang mga pet owner sa tanggapan ng DOJ upang magsampa ng kaso laban sa mga may-ari ng Ahjay Pet Crematorium.

Iniuugnay ang mga may-ari ng Ahjay Pet Crematorium sa umano'y pag-outsource sa ilan sa kanilang serbisyo, na nagresulta umano sa basta-bastang pagtatapon ng mga labi ng hayop sa Bulacan.

Nahaharap ngayon sa mga kasong estafa at paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act ang mga may-ari ng crematorium at iba pang sangkot sa insidente.

Sinuri ng NBI ang mga abo na isinumite ng mga nagreklamong fur parent at natuklasang hindi nagmula sa mga labi ng hayop ang mga ito.

β€œAng laman pala nung urns ay hindi ashes ng pet remains kung hindi silicon, iron, potassium and aluminum. So ito yung mga elements na hindi dapat nandun kung talagang pet remains yung nasa loob ng mga urns,” ayon kay PAWS Executive Director Anna Cabrera.

Original Source
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/1010143/mga-abo-sa-ibinigay-sa-fur-parents-sa-cavite-hindi-sa-hayop-ayon-sa-nbi/story/
Visit GMA News Online β†—
SHARE STORY:
𝕏 f in

Related Coverage in Science